Janette Toral's Influential Blogger is on its fourth year and the nomination period for 2010 has already began. The following bloggers are my bets for this year:
KUWENTONG NAKAKAAkala dati ni Jay ay porn blog ito kaya niya pinuntahan. Eh medyo na-curious siya sa handle na Kikilabotz. Kuwela ang batang ito. Gustung-gusto ni Jay ang kanyang ipis series. Sana balang araw ay maging libro 'yun. Aiya ang unang bibili kapag nagkataon.
GROWING UP GEN-XIsa ring batang nineties tulad namin. Ang kanyang blog ay dedicated sa late eighties hanggang sa pagtatapos ng dekada nobenta.
KWATRO KHANTOAng daming laman ng isip ng blogger na ito. Siya na yata ang may pinakamaraming entries sa isang buwan!
COVER CORNER Isang music buff tulad ng mister ko. Napaka-diverse ng kaalaman pagdating sa musika. Mas nadagdagan ang nalalaman ni Jay simula nang makilala niya ang blog na ito.
TARA NA!Masarap dumalaw dito. Nakakagutom at ang dami mong natutuklasang mga lugar!
'PANGUY-AB'Isa sa mga madalas puntahan ni Jay para makiusyoso sa buhay ng blogger na ito sa ibang bansa. Okay ang batang ito. Nahahasa ang English namin sa kanyang mga entries na produkto ng boredom.
GOYO'S ADVENTURE' Ang mga karanasan at adventure sa buhay ni Alexis. Bago pa lang siyang binabasa ni Jay pero naaaliw siya sa mga entries ni Goyo na walang katulad! Minsan parang adik lang siya. Minsan naman ay emo. Puwede ring seryoso. Basta kung ano ang maisipan niya.
THE CREATIVE DORK Ang galing ng concept ng blog niya. Sobrang napabilib kami ng taong ito sa kanyang pagiging creative!
ADVENTUROUS LEI Naintriga si Jay sa kanyang blog nang magpost siya ng link sa aming fan page sa FB. Dinalaw. Naki-uzi. Nabighani. Follower na si Jay simula noon.
NOBENTABlog na naka-focus sa Dekada Nobenta. Mga kuwentong karanasan tungkol sa metal at hiphoppers, mga nakakabuwisit at sinusubaybayang palabas sa teevee, mga hi-tech gadgets na obsolete o inaamag na ngayon, mga larong pambata noon na tinabunan na ng DOTA, mga pelikulang nilangaw at pinilahan sa takilya, mga kontrobersiya, at kung anu-ano pang mga bagay na nagpasaya, nagpalungkot, at nagbigay-kulay sa Pilipinas sa panahong nagkakaisa ang mga kabataan at tinawag nila ang kanilang grupo bilang Gen X.
To know more about this event, please visit their page at
Join the Top 10 Emerging Influential Blogs for 2010 Writing Project.This writing project will not be possible without the support of sponsors such as
Events and Corporate Video,
Budget hotel in Makati,
Pinoy Party Food,
Copyediting Services,
PR Agency Philippines,
Budget Travel Philippines,
Roomrent - units for rent,
Corporate Events Organizer.
Please support my husband's blog,
NoBenta